- Industria: Economy; Printing & publishing
- Number of terms: 15233
- Number of blossaries: 1
- Company Profile:
Ang kahirapang bitag ay \"anumang sariling pampalakas na mekanismo na nagdudulot ng pananatili ng kahirapan.\" Kapag ito ay nanatili mula sa henerasyon sa henerasyon, ang bitag ay magsisimulang tumibay sa sarili nito kapag ang mga hakbang ay hindi ginawa upang wasakin ang pagpapaulit-ulit na ito.
Industry:Economy
Ang ekonomiya na naglalarawan kung anong mundo ito, sa halip na subuking baguhin ito. Ang kasalungat ay ang normatibong ekonomiya, kung saan nagmumungkahi ng mga patakaran para sa pagtaas ng kalagayan ng ekonomiya.
Industry:Economy
Ang mga bagay na binibili ng Honeses. Mga bagay na binibili para sa kanilang tunay na paggagamitan, halimbawa, ang martilyo o ang makinang panlaba. Ang posisyonal na mga kalakal ay binili dahil sa sinabi ng mga taong bumili sa kanila. Sila ang daan ng mga tao upang makabuo o magbigay hudyat sa kanilang katayuan kaugnay sa mga tao na hindi nagmamay-ari sa kanila; mabibilis na sasakyan, bakasyon sa pinaka sunod sa modang bakasyunan, mga damit mula sa kilalang tagapag-disenyo. Sa pangangailangan, ang bilang ng mga kalakal na ito ay halos permanente dahil upang mas tumaas ang din ang tustos ay nangangahulugan na hindi na sila kailanman posisyonal. Ano ang masasabi nila sa pagkakaroon mo ng Rolls-Royce kung ang lahat ay nagmamay-ari din nito? Ang pangamba na ang pagtaas ng posisyonal na kalakal ay pipigil sa paglago, sapagkat sa kahulugan ay dapat salat sila sa panustos, sa ngayon ay napatunayan na nagkamali ng lagay. Ang mga negosyante ay dapat na makalikha ng mas mahusay na paraan upang ang mga tao ay makabili ng posisyon, kaya ang pagtulong sa maunlad na ekonomiya ay nagpapanatili ng kaunlaran.
Industry:Economy
Ito ay ipinangalan pagkatapos ni Arthur Pigou (1877-1959), isang uri ng epekto ng kayamanan na nagbubunga ng pagbaba ng presyo ng bilihin. Ang pagbaba sa antas ng presyo ay nagpapataas sa tunay na halaga ng ipon ng tao, ginagawa silang parang mas mayaman at nagdudulot sa kanila upang gumastos ng mas malaki. Ang pagtaas ng pangangailangan ay nagdudulot sa mataas na trabaho.
Industry:Economy
Kapag ang ekonomiya ay umuunlad ng masyadong mabilis at anf produktibong kakayahan ay hindi kayang tugunan ang pangangailangan. Ito ay karaniwang nauuwi sa paglalabas ng labis na salapi.
Industry:Economy
Sa kaso ng gamot, ang mga iyon ay hindi mabibili nang walang reseta ng doktor. Sa kaso ng pananalaping pangseguridad, ang mga iyon na nabili o ipinagbili sa pamamagitan ng pribadong mangangalakal o bangko sa halip na pananalaping pagpapalitan.
Industry:Economy
Mas mabuti kung makukuha ito, sa kabila ng hadlang ikaw ay nagpapatakbo sa ilalim nito. Para sa kaisipan ng pinakamainam ay nangangahulugan ng anumang bagay, maaaring parehong layunin, halimbawa, upang palaguin ang kalagayan ng ekonomiya, at hanay ng mga hadlang tulad ng magagamit na imbak ng hindi sapat na mapagkukunang pang-ekonomiya. Ang pagpapainam ay ang proseso ng paggawa ng mga kaya mong gawin ng mas mabuti sa kalagayang iyon.
Industry:Economy
Ang mga bangko sentral ay bumibili at nagbebenta ng mga seguridad sa bukas ng merkado, bilang paraan ng pagpigil sa singil sa tubo o paglaganap ng perang panustos. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mas maraming seguridad, kaya nilang tanggalin ang labis na pera, ang pagbili ng seguridad ay nakadaragdag sa perang panustos. Ang mga seguridad na kinalakal ng mga bangko sentral ay karaniwang sangla ng pamahalaan at mga pananalaping bayarin kahit na minsan sila ay bumibili o nagbebenta ng mga seguridad pang-komersiyo.
Industry:Economy
Ang ekonomiya na pumapayag sa di-limitadong daloy ng tao, puhunan, kalakal at mga serbisyo sa kabuuang hangganan nito; ang kasalungat ng saradong ekonomiya.
Industry:Economy
Kung ang mangilan-ngilang kumpanya ay nangingibabaw sa merkado. Kadalasan nakakikilos sila ng sama-sama na parang sila ay nag-iisang monopolyo, marahil sa pamamagitan ng pag-buo ng kartilya. O maaaring magkakaanib sila nang hindi tahasan sa pamamagitan ng marahang walang-halagang kumpetisyon patungo madugong labanan ng presyo. Dahil ang magagawa ng isang kumpanya ay depende sa kung ano ang magagawa ng ibang kumpanya, ang asal ng oligopolista ay mahirap hulaan. Kapag sila ay nakikipagpaligsahan sa presyo, maaari silang lumikha ng sobra at sumingil ng mababa na parang sila ay nasa merkado na may perpektong paligsahan.
Industry:Economy